Friday, October 30, 2009

Nasyonalismo: Malaki o Maliit na Bagay?

Nasyonalismo: Malaki o Maliit na bagay?

Ano ba talaga ang nasyonalismo? Ang Nasyonalismo ay ang pagiging makabayan o nagpapakita ng respeto sa bansang kinalakihan. Anu-ano ba ang mga paraan para ipakita ang nasyonalismo sa isang bansa? Ang daming pwedeng gawin para ipakita ito.

Dito sa Pilipinas, ang pagsasalita lang ng wikang Filipino na walang halong ibang diyalekto ng ibang bansa. Nakakabastos kasi ang paggamit ng wikang halo sa harap ng makabayang Pilipino. Ang pagmamalaki ng mga nagawa ng mga Pilipino sa larangan ng iba’t ibang talento. Katulad na lang sa larangan ng isports, si Manny Pacquiao sa boxing at si Efren “Bata” Reyes sa billiards. Pinagmamalaki natin sila dahil sila ay nakagawa ng malaking bagay na nagpakilala sa ating bansa sa larangan ng billiards at boxing. Nagbigay din sila ng karangalan sa ating bansa. Ang paggagawa ng tradisyon ng mga Pilipino sa kani-kanilang bahay ay isang madalas na gawain ng mga Pilipino. Isa na dito ang pagiging maka-Diyos. Ang mga Pilipino ay laging nagdadasal sa hapagkainan, kapag bagong gising, at bago matulog.

Iilan pa lamang iyan sa mga paraan na maaaring magpakita ng pagiging makabayan sa isang bansa. May mga ibang bagay pa na akala natin ay hindi nagpapakita ng nasyonalismo. Katulad na lang iyung pagsali sa mga aktibidad sa selbrasyon ng Buwan ng Wika sa ating mga paaralan.

Ang pagiging makabayan sa isang bansa ay ang pinakaimportante sa lahat ng bagay ng pagiging Pilipino. Kung maaari lang, ipakita natin ito sa ating pang-araw araw na buhay.

No comments:

Post a Comment