Friday, October 30, 2009

Climate Change (Liham)

Para sa lahat ng taong naninirahan sa mundong ito,

Ang ating mundo ay kasalukuyang humaharap sa isang napakatinding problema, ang Climate Change o ang pagbabago ng klima. Ano nga ba ang Climate Change? Ito ang hindi normal na pagbabago ng klima dahil sa polusyon. Mahirap ang buhay kapag nararanasan na ang Climate Change. Maaari tayong magkaroon ng sakit tulad ng Ubo at Sipon.

Ano ba ang paraan para mabawasan ang epekto ng Climate Change? Ito ay alagaan ang ating kalikasan. Maraming paraan an gating pwedeng gawin para alagaan ang ating kalikasan.

Sa pagtatapon ng basura sa tamang lugar, sa paglalabas ng dumi o ihi sa tamang lugar, at marami pang iba.

May mga bagay na kailangan pa nating abangan at kailangan pang maranasan dahil sa Climate Change. Katulad na lamang ng naranasan natin na ang Bagyong Ondoy at Pepeng. Kaunti pa lamang ito sa mga pwede pang mangyari.

Kalikasan: Napabayaan o Pinabayaan?

Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman

Bahagi na ito ng aking kabataan.

Ito ang pundasyon nang ating kinabukasan.

Kaya’t pagsisikapan kong ito’y pagkainggatan.

Ang gubat sa bundok ay gubat ng yaman.

Pagkat sari-saring buhay dito matatagpuan.

Ang sinag ng araw ditto ay walang kasing kinang.

Ang himig ng hangin may dalang katahimikan.

Ang lambak ang aking hardin.

Punong-puno ito nang iba’t-ibang pananim.

Madaming bulaklak kahit saan tumingin.

Masustansyang pagkain ang kaniyang hain.

Ang hanging sariwa, naglilinis ng pang-unawa.

Libre lang langhapin, hindi nakakasawa.

May dalang himig sa musikero’t makata,

Na ang alay ay himig at tula.

Ang pagbabago ay hindi makakamtan,

Kung ang kalikasan ay mapababayaan.

Ito ang lakas ng isip at ng ating katawan.

Kapag nasira, tayo din ang mawawalan.

Nasyonalismo: Malaki o Maliit na Bagay?

Nasyonalismo: Malaki o Maliit na bagay?

Ano ba talaga ang nasyonalismo? Ang Nasyonalismo ay ang pagiging makabayan o nagpapakita ng respeto sa bansang kinalakihan. Anu-ano ba ang mga paraan para ipakita ang nasyonalismo sa isang bansa? Ang daming pwedeng gawin para ipakita ito.

Dito sa Pilipinas, ang pagsasalita lang ng wikang Filipino na walang halong ibang diyalekto ng ibang bansa. Nakakabastos kasi ang paggamit ng wikang halo sa harap ng makabayang Pilipino. Ang pagmamalaki ng mga nagawa ng mga Pilipino sa larangan ng iba’t ibang talento. Katulad na lang sa larangan ng isports, si Manny Pacquiao sa boxing at si Efren “Bata” Reyes sa billiards. Pinagmamalaki natin sila dahil sila ay nakagawa ng malaking bagay na nagpakilala sa ating bansa sa larangan ng billiards at boxing. Nagbigay din sila ng karangalan sa ating bansa. Ang paggagawa ng tradisyon ng mga Pilipino sa kani-kanilang bahay ay isang madalas na gawain ng mga Pilipino. Isa na dito ang pagiging maka-Diyos. Ang mga Pilipino ay laging nagdadasal sa hapagkainan, kapag bagong gising, at bago matulog.

Iilan pa lamang iyan sa mga paraan na maaaring magpakita ng pagiging makabayan sa isang bansa. May mga ibang bagay pa na akala natin ay hindi nagpapakita ng nasyonalismo. Katulad na lang iyung pagsali sa mga aktibidad sa selbrasyon ng Buwan ng Wika sa ating mga paaralan.

Ang pagiging makabayan sa isang bansa ay ang pinakaimportante sa lahat ng bagay ng pagiging Pilipino. Kung maaari lang, ipakita natin ito sa ating pang-araw araw na buhay.